ANGELES CITY --- Dalawang menor de edad na Children in Conflict of the Law (CICL) ang nasa kustodiya ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Angeles City.
Ayon kay Police Captain Arvin Hosmillo, hepe ng CIDG Angeles ang 2 binatilyong residente ng Nepo Subdivision, Barangay Cutcut ay napagalamang sangkot sa iligal na droga at lumabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Sila ngayon ay nakatakdang sumailalim sa rehababilitasyon sa Regional Rehabilitation Center sa Magalang, Pampanga.
Comments