top of page
Writer's pictureJimjim Hipolito

Calma: Nais gawing "drug free" ang Guagua

GUAGUA, Pampanga --- Nais ng pamunuan ng Guagua Municipal Police at ng lokal na pamahalaan ng bayang ito na ideklarang "drug free" ang Guagua sa lalong madaling panahon.

Ito ang inihayag ni PLt. Col. Manny T. Calma, hepe ng Guagua Police Station nitong Lunes.

Nabatid na sa 31 na barangay ng Guagua nauna ng naideklara ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na "drug free" ang Barangay San Nicolas at Plaza Burgos.

Samantalang "drug clear" naman ang Barangay San Jose at sumasailalim na rin sa proseso ng drug clearing ang Barangay Pulung Masle at San Isidro.

Paliwanag ni Calma, ang 11 pang barangay ay kasalukuyang nagsasagawa ng community based rehabilitation program para sa mga taong naitalang sangkot sa droga at nais baguhin ang kanilang mga sarili.

Sa ilalim na reformation center, iba't ibang aktibidad tulad ng moral recovery, physical at wellness program at livelihood trainings ang ipinapatupad.

Positibo ang hepe na sa tulong ng LGU sa pangunguna ni Mayor Dante Torres ay maisasakatuparan ang pagiging "drug free" ng bayang ito. (Jimjim Hipolito)

PLt. Col. Manny T. Calma, hepe, Guagua Police Station

248 views0 comments

Commentaires


bottom of page