top of page

3 hinihinalang tulak ng droga timbog sa Lubao

  • Writer: Jimjim Hipolito
    Jimjim Hipolito
  • Apr 1, 2019
  • 1 min read

BY JIMJIM HIPOLITO


LUBAO, Pampanga --- Tatlong hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado ng mga operatiba ng Lubao Police Station sa magkakasunod na buy-bust operation sa Brgy. Remedios, Concepcion at Sto. Nino nitong Lunes ng madaling araw. (April 1, 2019)


Ayon kay PSUPT. J erry B Corpuz, hepe ng Lubao Police Station ang serye ng mga operasyon ay bahagi ng ipinatupad na 'One Time, Big Time' operation ng Pampanga Police Provincial Office.


Dagdag pa ni Corpuz, ang mga arestadong suspect ay kabilang sa watch-listed drug personality ng Lubao.


Nasamsam sa mga suspect ang aabot sa 17 pakete ng shabu at marked money.


Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.






 
 
 

Comments


© 2018 by Skills Unlimited

NewsHub Pampanga

bottom of page