MABALACAT CITY ---- Sa ika - 14 na araw ng campaign period nanawagan si Mabalacat City Councilor Geld Aquino at front-runner na kandidato sa pagka bise alkalde sa darating na May 2019 elections sa mga taong responsable sa paninira at pagtatanggal ng kanyang mga campaign posters at materials.
Ito'y matapos madiskubri ng kanyang mga taga suporta na pinagtatanggal at pinagpupunit ang kanyang mga posters na naka paskil sa buong syudad ngayong Biernes umaga.
"Nakakalungkot isipin na may mga taong nakakagawa ng ganitong ka desperadong hakbang" paliwanag ni Aquino.
Ayon sa batang abogado at numero unong konsehal ng syudad, mas matutuwa at magiging interesado ang mga mamamayan ng syudad kung mga program at plano ang ilalahad ng kanilang mga katunggali sa karera ng pulituka ngayong panahon ng kampanya sa halip na mga paninira at di patas na pagtrato.
Simula pa sa unang termino ni Aquino bilang konsehal libre nitong ibinibigay ang serbisyong ligal sa kanyang mga ka syudad.
Siya ngayon ang ka tandem ni Mayor Crisostomo Garbo sa ilalim ng namamayagpag na Team MCG at partido Kambilan ni Governor Lilia Pineda.
Comments