top of page
Writer's pictureJimjim Hipolito

Caluag nais magpatayo ng isang pampublikong dialysis center


CITY OF SAN FERNANDO --- Isang dialysis center para sa mahihirap ang nais ipatayo ng tumatakbong alkalde ng syudad na ito kung siya palarin sa darating na halalan sa susunod na buwan.


Ito ang inihayag ni Dolores punong barangay at survey front runner na si Vilma Caluag sa harap ng daan daang taga suporta mula sa Bulaon Resettlement nitong Lunes.


Ayon kay Caluag, sa ngayon ay walang pampublikong dialysis center ang syudad para mabigyang atensyon ang mga Fernandinong nakakaranas ng kidney failure at kapos sa pera upang magpagamot.



Dagdag pa ni Caluag na bibigyan nito ng prioridad at kaukulang pondo ang mga serbisyong medikal at pangkalusugan kapag siya ang naupo bilang punong ehekutibo ng syudad. (Jimjim Hipolito)




227 views0 comments

Comments


bottom of page