top of page
Writer's pictureJimjim Hipolito

Mayor Garbo magtatatag ng police auxillary force

MABALACAT CITY — Planong magtatag ng isang "espesyal" na auxillary force ni Mayor Cris Garbo upang paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad at bilang suporta rin sa Mabalacat Police Station sa paglaban nito sa iligal na droga at criminalidad.


Sa isang mini media briefing sa proklamasyon ni Governor-elect Delta Pineda sa Syudad ng San Fernando nitong Biernes, sinabi ni Garbo na kabilang sa kanyang nga prioridad sa kanyang ikalawang termino ay ang pagpapalakas ng kakahayan ng kapulisan sa paglaban sa kriminalidad kung kayat nais nitong kumuha ng 10 matitikas na kabataan at armasan at sanayin ang mga ito upang magsilbing suporta sa iba't ibang operasyon ng kapulisan.


Ayon kay Garbo, makikipagpulong siya kay DILG Secretary Eduardo Ano upang hingin gabay nito sa pagsasakatuparan ng nasabing plano.


Samantala, inihayag ng alkalde na malaki ang ibinaba ng mga kaso ng iligal na droga mula noong siya ay naupo bilang punong ehekutibo ng syudad.


Ayon sa kanya, seryoso ang lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa krimen at droga kung kaya't malaki ang nakalaang intelligence at operational funds para sa kapulisan kabilang ang pagbili ng mga panibagong patrol cars, mga armas at unlimited gasoline allowance.


Naglaan din ng isang libong pisong allowance si Garbo para sa bawat pulis Mabalacat buwan buwan. (Jimjim Hipolito)


Si re-elected Mayor Cris Garbo kasama si PLt. Col. Maharlika Oscar Villasis, hepe ng Mabalacat Police Station.

(Photo by Jimjim Hipolito)


524 views0 comments

Comments


bottom of page