MABALACAT CITY --- Arestado ang riding in tandem na ito matapos matuklasan ng kapulisan ang bitbit na .22 mm na baril, bala a shabu sa Comelec check-point na iilatag ng grupo ni Police Senior Inspector Jonathan Mark Avillano sa Brgy Lakandula ngayong Martes ng madaling araw (April 2, 2019)
Ayon kay Police Superintendent Maharlika Oscar Villasis, hepe ng Mabalacat Police Station, nasita ang riding in tandem dahil sa kawalan ng lisensya sa pagmamaneho, kawalan ng documento ng motorsiklo at di pagsusuot ng helmet.
Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, natuklasan mula sa mga suspect ang baril at 2 pakete ng hinihinalang shabu.
Kinilala ni Villasis ang mga suspect na sina Barret Guintu y Sanchez, 26 at Dandy Padilla, 43, parehong residente ng nasabing comunidad.
Kumpiskado rin ang motorsiklo ng gamit ng mga suspect.
Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa Comelec Gun Ban sa ilalim ng kasalukuyang Omnibus Election Code at possession of illegal drugs.
ความคิดเห็น