ANGELES CITY --- 2 miembro ng isang crime group na sangkot umano sa iba't ibang insidente ng carnapping, gun running at pagtutulak ng iligal na droga sa syudad na ito ang arestsdo sa isang buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Pampanga nitong Miyerkules Santo.
Sa harap ng Rajah Hotel sa Barangay Balibago, arestado ang mga suspect na kinilalang sina Jesriel Sullano y Verano at Mark Murillo y Soriano na napagalamang pawang miembro din umano ng Sputnik Gang.
Narekober mula kay Murillo ang isang .45 na baril na may 4 na bala at 11 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,500.
Nasamsam naman mula
Sullano ang isang .38 kalibre na baril na may 6 na bala at 3 pakete ng iligal na droga na may tinatayang halagang P5,000
Ang mga suspect ay nahaharap ngayon sa patong patong na kaso dahil sa paglabag sa Sections 5 and 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, illegal possession of firearms and ammunitions at gun ban sa ilalim ng umiiral na Omnibus Election Code.
Comments