ANGELES CITY --- Kalaboso ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos magpositibo ang mga ito sa isang buy-bust operation na inilunsad ng Presinto 6 sa Northville 15, Barangay Cutud, Angeles City nitong Huwebes ng hapon (April 4, 2019).
Ayon kay Police Chief Inspector Roldan Gallano matagal ng undersurveillance ang mga suspect na kabilang sa mga watch-listed drug personalities ng syudad.
Kinilala ni Gallano ang mga suspect na sina Gerald Navarro at Zee Ramos.
Narekober mula sa dalawa ang isang baril, 7 pakete ng shabu at marked money.
Nahaharap ngayong ang mga suspect sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms sa ilalim ng umiiral na Comelec Gun Ban at sections 5 and 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs act.
Comments