top of page
Writer's pictureJimjim Hipolito

Cabrera: Tiniyak ang mas maraming programa para sa Sasmuan

SASMUAN, Pampanga --- Ilang araw bago ang halalan sa susunod Lunes, nangako ang tumatakbong alkalde ng bayang ito na kanyang ipagpapatuloy ang mga programang kanyang sinimulan bilang dating alkalde at kongresista.


Sa isang campaign sortie sa Barangay San Antonio ngayong Martes ng gabi ipinahayag ni dating three-term mayor Lina Mendoza Cabrera na mas palalakasin at palalawigin nito ang mga serbisyo para sa sektor ng kababaihan, senior citizens at edukasyon.


Si Cabrera na kumatawan sa Association of Laborers and Employees (ALE) Party List sa kongreso ang pangunahing nagsulong ng mga batas upang palakasin at kilalanin ang kagalingan ng mga manggagawa at kababaihan.


Kung siya ay palarin sa kanyang pagbabalik bilang punong ehekutibo nais nitong magpagawa ng isang bagong munisipyo at palitan ang dating gusali ng lokal na pamahalaan ng isang pampublikong pagamutan upang mas mabigyang lingap ang mga taong nangangailangan ng serbisyo medikal at pangkalusugan.


Nais din na Cabrera na magpatayo ng extension ng Don Honorio Ventura Technological State University (DHVTSU) sa Sasmuan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang nais kumuha ng mga kursong technical at vocational. (Jimjim Hipolito)








36 views0 comments

Comments


bottom of page