top of page
Writer's pictureJimjim Hipolito

Caluag nagpasalamat sa suporta ng mga Fernandinos

CITY OF SAN FERNANDO --- Isang linggo bago ang May 2019 midterm elections sa Lunes, nagpasalamat si mayoralty bet at survey topnotcher Vilma Caluag sa dumadaming suporta mula sa mga Fernandinos.


Ito ang ipinahayag ni Caluag sa harap ng daan daang taga suporta mula sa Barangay Juliana, Pandaras at Quebiawan ngayong Lunes.


Ayon kay Caluag na kasalukuyang kapitana ng Barangay Dolores at pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) ng syudad, nais nitong suklian ng tapat at taos pusong serbisyo ang mainit na pagsuporta ng mga Fernandinos kung siya ay palarin bilang kauna unahang babaeng alkalde ng San Fernando.


Kabilang sa mga programang ito ang libreng serbisyong medikal at pangkalusugan.


Isa rin dito ang pagpapatayo ng isang pampublikong dialysis center.


Mga programa para sa mga kababaihan, kabataan, at scholarship programs para sa mga mag aaral.


Dagdag pa ni Caluag na magiging mahigpit ang kanyang polisiya upang alisin ang korupsyon.


Nagpahayag din ng pagsuporta kay Caluag ang mga dating alkalde ng syudad na sina Dr. Rey Aquino at Oscar Rodriguez. (Jimjim Hipolito)



293 views0 comments

Comments


bottom of page