top of page
Writer's pictureJimjim Hipolito

Esmie Pineda naiproklama na bilang bagong alkalde ng Lubao



LUBAO, Pampanga --- Pormal ng na-iproklama ng Municipal Board of Canvassers ang anak ni outgoing Governor Lilia Pineda na si Esmie Pineda bilang bagong alkalde ng Lubao nitong Huwebes ng hapon.


Si Pineda na walang kalaban sa nasabing posisyon ay nakakuha ng kabuuang 55,546 na boto samantalang ang kanyang bise alkalde na si Councilor Jay Montemayor ay nakakuha naman ng 49,069 na boto.


Sinamahan si Pineda ng kanyang mga kapatid na sina incumbent Mayor Mylyn Pineda Cayabyab na nangunguna sa karera sa pagka board member ng ikalawang distrito ng Pampanga at Vice Governor Dennis 'Delta' Pineda na tumakbong gobernador ng lalawigan at nag aantay na lamang ng opisyal na proklamasyon mula sa Comelec matapos nitong lumamang ng mahigit sa 400,000 boto laban sa kanyang katunggali na si Bacolor Mayor Jomar Hizon na tinanggap na ang pagkatalo.


Wala namang naging kalaban si Governor Lilia Pineda sa pagka bise gobernador at nagaantay na rin ng proklamasyon.


Nagpasalamat naman si Mayor-elect Esmie Pineda at nangakong ipagpapatuloy ang nasimulan ng kanyang ina at kapatid na sina Mylyn at Dennis na naging alkalde rin ng Lubao. (Jimjim Hipolito)








129 views0 comments

Comments


bottom of page