MAGALANG, Pampanga --- Nagpahayag ngayon ng buo at solidong suporta ang sektor ng kabataan at estudyante sa bayang ito sa muling pagtakbo ng kasalukuyang alkalde na si Malu Paras Lacson, ang kauna unahang babaeng mayor ng Magalang.
Sa isang panayam kay Moshe Lacson, pangulo ng Pampanga Sangguniang Kabataan (SK) Federation at Brgy San Nicolas 1st SK president sinabi nito na malaki ang naitulong ng alkalde upang maisakatuparan ang iba't ibang programa para sa mga millenials.
Aminado ang 22 anyos na lider na may kakulangan sa pondong nakalaan para sa sektor ng kabataan, sa kabila nito'y naging matagumpay pa rin ang mga programang naglalayong palakasin at bigyan ng pansin ang kagalingan ng bawat kabataang Magaleno dahil na rin sa tulong ng alkalde.
Kabilang sa mga proyektong ito ay ang taunang pamimigay ng iskul suplay sa mga magaaral sa elementary, mga palaro tulad ng mga liga ng basketbol, anti drug at bullying awareness lectures at iba pa.
Sa unang termino ni Lacson bilang chief executive ng Magalang, isang school bus ang naibigay upang magsilbing shuttle service ng mga estudyanteng mula sa malalayong lugar at nagaaral pa sa Pampanga State Agricultural University.
"Ito ay para makatipid sila sa pamasahe" wika ni Moshe.
Bukod pa dito, asikaso din ni Mayor Lacson ang mga Day Care Centers.
Si Moshe, ay kasalukuyang nagaaral ng Doctor of Medicine at Master in Business Administration sa Ateneo De Manila University.
Siya ay produkto din ng Don Bosco Academy sa Mabalacat City
댓글