ANGELES CITY --- Naniniwala ang aktres at dating beauty queen na si Maricel 'Marang' Morales na marami itong natutunan at mahusay nitong nagampanan ang kanyang tungkulin sa bilang isang konsehala ng syudad sa loob ng 3 direchong termino mula 2007 hanggang 2016.
Sa kanyang muling pagsabak sa larangan ng pulitika bilang pambato sa pagka bise alkalde ni dating Clark International Airport president Alex Cauguiran, sinabi ni Morales na handa itong harapin ang mas malaking hamon kung siya ay papalarin itong darating na May 2019 elections.
Sa kanyang pagbisita at pangangampanya sa Brgy. Amsic nitong Martes, game na nakipagkwentuhan ang celebrity upang ibahagi ang kanyang karanasan na ayon sa kanya ay naging matibay na pundasyon upang mapagsilbihang muli ang kanyang mga ka syudad.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Marang ang tumayong nanay at tatay sa kanyang mga anak, bilang isang responsableng single mom, marangal nitong naitaguyod ang kanyang pamilya kasabay ng kanyang walang kapagurang pagseserbisyo publiko.
Bilang chairperson ng Committee on Women and Children binigyan ni Morales ng pagkilala ang kakayahan at mahalagang papel ng bawat kababaihan sa syudad.
Dahil dito, taon taong ginaganap ang parangal para sa 'Marangal at Ulirang Ina' kasabay ng pagdiriwang ng National Women's Month.
Sa pamamagitan ng iba't ibang ordinansang kanyang inakda, nanindigan si Morales para sa pantay pantay na pribilehiyo at karapatan ng bawat kababaihan, kabataan maging ng sector ng LGBT.
Dagdag pa ni Morales na tumatayong inspirasyon
nito ang kanyang mga anak na sina Aj, Miccho at Elena upang harapin ang mas malaking hamon: Ang pagiging pangalawang ina ng Angeles City.
Si Morales ay kabilang sa partidong 'Kambilan da reng Abe'
Comments