top of page
Writer's pictureJimjim Hipolito

Marang Morales suportado ng mga beki, tibo sa Angeles City

ANGELES CITY ---- Buong suporta ang ipinahayag ng sektor ng LGBT sa tumatakbong bise ng alkalde ng syudad na ito na si Maricel 'Marang' Morales.


Sa isang pagtitipon ng mga miembro nito mula sa 33 barangays ng syudad sa Ribeye Function Hall ngyong Miyerkules game na game na nakipagkulitan ang aktres sa mga LGBT members na nakasuot ng mga makukulay na damit at gowns.


Ayon kay Morales noon pa man sa kanyang tatlong taong terminong panunungkulan bilang konsehal ng syudad, ay binigyan na niya ng kahalagahan at pagkilala ang natatanging papel ng 'ikatlong lahi' sa komunidad.


Dagdag pa nito na katumbas ng kanyang suporta at pagbibigay pansin sa sektor ng kababaihan at kabataan ang kanyang ibinibigay na panahon para sa mga beki at tibo sa syudad.


Anya patuloy nitong isusulong ang gender equality na may kaakibat na benepisyo para sa mga ito.


Ang single mom na si Morales ang running mate ni dating Clark International Airport president Alex Cauguiran na tumatakbong alkalde sa ilalim ng partidong Kambilan da reng Abe. (Jimjim Hipolito)





195 views0 comments

Comments


bottom of page