MABALACAT CITY --- Mainit ang naging pagtanggap at pagsuporta ni Mayor Crisostomo Garbo at ng grupo ng mga kababaihan sa syudad kay Governor Lilia Pineda at dating pangulo at ngayon House Speaker Gloria Arroyo nitong Sabado.
Si Governor Pineda na walang kalaban sa pagka bise gobernador ng lalawigan at Arroyo ay parehong dumalo sa pagtitipon ng daan daang miembro ng Mabalacat Empowered Women.
Hanga si Pineda sa malaking pagbabago ng syudad at sa malaking papel ng ginagampanan ng sektor ng kababaihan tungo sa ikauunlad ng komunidad.
Malaki naman ang naging pasasalamat ng isang lider ng kababaihan na si Dau Barangay Kagawad Loida Ramos.
Ayon kay Ramos, marami sa kanyang ka barangay ang nakinabang sa serbisyong medikal at pangkalusugan ng mga Pineda sa kapitolyo.
Nitong Huwebes libo libong Mabalaquenos ang dumagsa sa isang free concert na tampok ang mga bandang "Chocolate Factory" at "White Lies" sa San Rafael, Barangay Mabiga.
Dito'y ipinahayag din ni Garbo ang buong suporta ng Mabalacat City kay Vice Governor Dennis "Delta" Pineda na ngayon at tumatakbo sa pagka gobernador ng Pampanga.
Si Garbo at ang kanyang runningmate sa pagka bise alkalde na si Councilor Geld Aquino ay kabilang sa partidong Kambilan ni Governor Pineda. (Jimjim Hipolito)
Comments