GUAGUA, Pampanga --- Nais ng isang punong barangay na maging drug free ang buong bayang ito kung mabibigyan siya ng pagkakataong maluklok bilang isang konsehal sa darating halalan sa susunod na buwan.
Ito ang bisyon na inilahad ni San Nicolas 1st barangay captain Rommel Mercado isang independent candidate sa pagka konsehal ng Guagua.
Nais ni Mercado na palawigin ang kanyang nasimulan sa kanyang comunidad kung saan hinirang ng Guagua Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang San Nicolas 1st bilang isang 'drug free' barangay noong 2016.
'Pangarap po nating gawing isang drug free municipality ang Guagua katulad ng ating nasimulan at natupad sa aming barangay' paliwanag ni Mercado.
Ayon sa kanya mahalaga ang naging kontribusyon at papel ng bawat sector ng komunidad sa kampanya laban sa iligal na droga.
Bilang kapitan, lagi nitong pinupulong ang mga kabarangay upang makipag dayalogo at alamin ang ibang isyu patungkol sa peace ang order at pagpapatupad ng mga hakbang upang manatili ang katahimikan sa comunidad.
Patuloy din ang kanyang isinasagawang anti-drug awareness seminars at pagpapatupad ng curfew at Oplan Sita sa barangay.
Nagbabala din ang punong barangay sa mga taong patuloy na nasasangkot sa droga na itigil na ang kanilang iligal na aktibidad at sa halip ay sumailalim sa reformation program ng lokal na pamahalaan para sa kanilang ikabubuti.
Batid ni Mercado na isang mahalagang aspeto ang katahimikan at kaayusan tungo sa isang progresibong bayan.
Si Mercado ay isang engineer na nagtapos sa Unibersidad ng Sto. Tomas. (JIMJIM HIPOLITO)
Punong Barangay Rommel Mercado
Binisita ni dating pangulo at ngayon House Speaker Gloria Arroyo ang Brgy. San Nicolas 1st.
Noong 2016, pinangalanan ng Guagua Police Station sa pangunguna ng noo'y dating hepe PSupt. Levi Basilio ang San Nicolas 1st bilang isang "drug free" barangay.
Comments